bilang konklusyon,masasabi ng tiga panaliksik na hindi pa rin praktikal ang hindi nakatapos ng pag-aaral.ang pag-aartista ay pana-panahon lamang,para rin itong sugal,maari kang guminhawa ang buhay dahil dito,maari din ikasira mo ito.malaki man ang halagang kayang ihatid ng trabahong pag aartista iba pa rin ang nakapagtapos sa pag-aaral.hindi ka man makag-artista,kung nakatapos ka naman ay mas maraming oppurtyunidad.mas magandang ipagmalaki ang diploma kaysa sa mga acting awards. hindi lahat ng artista ay nagtatagumpay,dumidepende pa ang tagumpay nila sa mga taong tumatangkilik sa kanila.di tulad ng trabaho sa opisina,sarili mo ang kalaban mo,nasayo ang buong tyansa mo na magtagumpay.
hindi sinasabi ng mananaliksik na masama ang pag-aartista,ngunit hinihikayat ng mananaliksik na mas bigyan halaga at prayuridad ang pag-aaral.mas mainam kung hindi lang pagiging artista ang pinagmamalaki ng isang tao kundi pati na rin ang pagiging edukado nito. ang edukadong tao ay nirerespeto sa lipunan,kung ikaw man ay artistang nakapag tapos tiyak na maging kagalang galang ka at mas madaming oppurtyunidad na dadating sayo,sa entablado man na may kamera o sa opisina.