Isang pananaliksik

Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Pananaliksik DRAFT

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
nikipimentel



Posts : 34
Join date : 13/12/2008

PostSubject: Pananaliksik DRAFT   Sun Dec 14, 2008 11:11 am

Para sa mga wala pang kopya~
P.S pwede niyo yang i-edit~~ paki check kung anong kulang at kung may mali.
P.S.S mas maganda kung may idadagdag kayo.

-niki



Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral

A. Panukalang Pahayag:
Nakakaapekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng artista

B. Introduksyon

Paksa:
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay malaman kung sa papaanong paraan nakakaapekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng artista.

Suliranin:
Karamihan sa mga kabataang artista ngayon ay mas pinahahalagahan ang pagartista kaysa ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:
Inisasantabi muna ng mga kabataang artista ang pag-aaral at mas pinipili ang pag-aartista. Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita, o di kaya dahil sa personal nila itong kagustuhan, o kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Personal/Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa:

Ang mga mananaliksik ay mga estudyante sa kolehiyo na nais makapagtapos na pag-aaral. Nais nilang malaman ang mga napagdaraanang suliranin na mga artista, na nagiging sanhi ng kanilang pagtatapos o hindi pagtatapos sa pag-aaral.
Gusto din ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga paraan kung paano nila nabalanse o nababalanse ang kanilang pag-aaral at showbiz, at ano ang nagiging epekto nito sa kanila.


C. Rebyu ng Pag-aaral
May tuwirang kinalaman sa paksa/problema
Maaaring may kaugnayan lamang sa paksa/problema
Puwang na iniwan ng mga naunang pag-aaral (ibang aspekto ng paksa, kakulangan ng datos, pagbabago ng kritikal na lapit)

D. Layunin

Pangkalahatan
Layunin ng pananaliksik na ito ang magbigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.
Gayundin ang matuklasan ang mga kinahinatnan ng mga nakatapos at hindi nakatapos sa pag-aaral na mga artista.

Tiyak
Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng mga impormasyon tungkol sa antas ng edukasyon na narating ng mga artista.
Layunin ng pananaliksik na ito na magsagawa ng surbey tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa narating ng artista.

E. Halaga

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil makapagbibigay ng kaalaman sa mga mambabasa kung paaano mababalanse ang pag-aaral at pagtatrabaho. Makasisinop din ito ng mga impormasyon sa mga kinahinatnan ng mga artistang nakatapos at hindi nakatapos, na maaring maging basehan ng mga mambabasa kung ano ang nararapat na gawin kung malagay sila sa parehong sitwasyon.
Makatutulong din ang pananaliksik na ito sa mga estudyanteng nagtatrabaho, dahil mabibigyan sila ng ideya kung papaano ibalanse ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas
Paliwanag hinggil sa ugnayan ng mga konsepto
Kahon-kahon, bilog-bilog, pana-pana





G. Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito, ay magsisimula sa pagkakalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa. Makukuha naming ang mga impormasyon na ito sa mga artikulo sa dyaryo o magasin, mga libro, interbyu at ang internet.
Magsasagawa din kami ng surbey na ibibigay sa mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

H. Saklaw o Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin lamang ang antas ng edukasyon ng piling artista, na hindi hihigit sa sampu.
Hindi tatalakayin ang personal na buhay nila, tulad ng kanilang pamilya, o mga relasyon nila. Ang pagbabasihan ng pananaliksik nito ay ang resulta ng surbey, ang mga artikulong nakalap, ang interbyu sa mga artista at ang mga impormasyon sa libro.
An gaming surbey ay ibibigay sa isang daang(100) estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

I. Daloy ng Pag-aaral
Buod ng bawat kabanata
Back to top Go down
View user profile
nikipimentel



Posts : 34
Join date : 13/12/2008

PostSubject: regarding sa Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:   Sun Dec 14, 2008 11:17 am

Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:
Inisasantabi muna ng mga kabataang artista ang pag-aaral at mas pinipili ang pag-aartista. Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita, o di kaya dahil sa personal nila itong kagustuhan, o kagustuhan ng kanilang mga magulang.


Hindi ba dapat alisin yung Kabataang artista? kasi hindi lang naman tayo naka-focus sa mga young actors and actresses eh.

tapos~~ yung part na Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita mas formal daw kung kaysa sa word na KITA~~ GANA ang gagamitin natin.
Back to top Go down
View user profile
orangeclash



Posts : 27
Join date : 13/12/2008

PostSubject: Re: Pananaliksik DRAFT   Mon Dec 15, 2008 8:42 pm

nikipimentel wrote:
Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:
Inisasantabi muna ng mga kabataang artista ang pag-aaral at mas pinipili ang pag-aartista. Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita, o di kaya dahil sa personal nila itong kagustuhan, o kagustuhan ng kanilang mga magulang.


Hindi ba dapat alisin yung Kabataang artista? kasi hindi lang naman tayo naka-focus sa mga young actors and actresses eh.

tapos~~ yung part na Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita mas formal daw kung kaysa sa word na KITA~~ GANA ang gagamitin natin.
cge2 baguhin natin..
Back to top Go down
View user profile
orangeclash



Posts : 27
Join date : 13/12/2008

PostSubject: Re: Pananaliksik DRAFT   Mon Dec 15, 2008 9:11 pm

nikipimentel wrote:
[b]

H. Saklaw o Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin lamang ang antas ng edukasyon ng piling artista, na hindi hihigit sa sampu.
Hindi tatalakayin ang personal na buhay nila, tulad ng kanilang pamilya, o mga relasyon nila. Ang pagbabasihan ng pananaliksik nito ay ang resulta ng surbey, ang mga artikulong nakalap, ang interbyu sa mga artista at ang mga impormasyon sa libro.
An gaming surbey ay ibibigay sa isang daang(100) estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

na hindi hihigit sa sampu.- depende ung number sa mreresearch nten...
Back to top Go down
View user profile
nikipimentel



Posts : 34
Join date : 13/12/2008

PostSubject: Re: Pananaliksik DRAFT   Mon Dec 15, 2008 9:16 pm

orangeclash wrote:
na hindi hihigit sa sampu.- depende ung number sa mreresearch nten...

hindi ba dapat lagpas ng sampu?
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Pananaliksik DRAFT   Today at 6:44 pm

Back to top Go down
 
Pananaliksik DRAFT
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Isang pananaliksik :: Conference Hall :: Conference Room-
Jump to: