Maroon-blooded
Shifting Gears
From Paddle to Mic
05.07.2008|Aeron Valderrama
Si Christian Joseph Morata Bautista ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman sa kursong Bachelor of Science in Landscape Architecture. Naging manlalaro siya ng “table tennis” sa kanyang paaralan noong siya ay nasa ika-limang antas ng elementarya at itinuloy niya ito noong siya ay nasa UP. Dahil sa kanyang hilig sa paglalaro, naging kasapi siya sa “UP Men's Table Tennis”. Hilig niya ang pagguhit ngunit mas pinili niyang tahakin ang industriya ng musika at sining. Sumali siya sa teatro noong 2002 bilang isa sa mga koro ng “The Lion, The Witch, and the Wardrobe”.
Siya naturingan na “most popular nonwinner of a singing competition” noong sumali siya sa “Star in a Million” at hindi siya pinalad na manalo ngunit hindi doon natapos ang kanyang karera bagkus, iyon pa ang naging simula.
http://www.geocities.com/upfighting_maroons/content/view/mb/ian_mtt.htm <<--rovy