Isang pananaliksik

Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Partially edited thesis...

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
orangeclash



Posts : 27
Join date : 13/12/2008

PostSubject: Partially edited thesis...   Sat Jan 31, 2009 8:23 pm

Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral

A. Panukalang Pahayag:
Nakakaapekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng artista

B. Introduksyon

Paksa:
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng antas ng edukasyon sa nararating ng artista.

Suliranin:
Karamihan sa mga kabataang artista ngayon ay mas pinahahalagahan ang pagartista kaysa ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:
Inisasantabi muna ng mga kabataang artista ang pag-aaral at mas pinipili ang pagaartista. Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita, o di kaya dahil sa personal nila itong kagustuhan, o kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Personal/Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa:

Ang mga mananaliksik ay mga estudyante sa kolehiyo na nais makapagtapos na pag-aaral. Nais nilang malaman ang mga napagdaraanang suliranin na mga artista, na nagiging sanhi ng kanilang pagtatapos o hindi pagtatapos sa pag-aaral.
Gusto din ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga paraan kung paano nila nabalanse o nababalanse ang kanilang pag-aaral at showbiz, at ano ang nagiging epekto nito sa kanila.
Ang pananaliksik din na ito ay mabibigyang kaalaman ang mga estudyante , kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng tagumpay at ang kahalagahan ng edukasyon.


C. Rebyu ng Pag-aaral(di pa tapos)
Ang mga mananaliksik ay nakahanap ng mga artikulong mayroong direkta o hindi direktang kinalaman sa napili nitong paksa. Ito ay ang magasin ng “Candy”, “Seventeen” at “Marie Claire”, na lahat ay nilimbag ng Summit Media, mga artikulo sa opisyal na website ng mga artista, at ang mga artikulo sa website ng “Philippine Entertainment Portal”. Ang mga atikulo dito ay direktang may kinalaman sa paksa Karamihan sa mga pinagsipian ng mga mananaliksik ay ang magasin, internet at dyaryo, dahil doon kadalasang nakalimbag ang mga interbyu o mga opinyon ng mga artista tungkol sa paksa, malimit matatagpuan sa isang libro ang ganitong paksa.

Ang mga artiklo mula sa librong….. ay nag bibigay depenisyon naman sa tagumpay at kahalagahan ng edukasyon.



D. Layunin

Pangkalahatan
Layundin ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga kinahinatnan ng mga nakatapos at hindi nakatapos sa pag-aaral na mga artista.

Tiyak
Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng mga impormasyon tungkol sa antas ng edukasyon na narating ng mga artista.

Layunin ng pananaliksik na ito ang magbigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.



E. Halaga

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil makapagbibigay ng kaalaman sa mga mambabasa kung paaano mababalanse ang pag-aaral at pagtatrabaho. Makasisinop din ito ng mga impormasyon sa mga kinahinatnan ng mga artistang nakatapos at hindi nakatapos, na maaring maging basehan ng mga mambabasa kung ano ang nararapat na gawin kung malagay sila sa parehong sitwasyon. Makatutulong din ang pananaliksik na ito sa mga estudyanteng nagtatrabaho, dahil mabibigyan sila ng ideya kung papaano ibalanse ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas

G. Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito, ay magsisimula sa pagkakalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa. Makukuha naming ang mga impormasyon na ito sa mga artikulo sa dyaryo o magasin, mga libro, interbyu at ang internet.


H. Saklaw o Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin lamang ang antas ng edukasyon ng piling artista, na hindi hihigit sa sampu.
Hindi tatalakayin ang personal na buhay nila, tulad ng kanilang pamilya, o mga relasyon nila. Ang pagbabasihan ng pananaliksik nito ay ang mga artikulong nakalap at ang mga impormasyon sa libro.


I. Daloy ng Pag-aaral
Buod ng bawat kabanata


Last edited by orangeclash on Tue Feb 24, 2009 7:46 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
View user profile
orangeclash



Posts : 27
Join date : 13/12/2008

PostSubject: ...   Sat Jan 31, 2009 8:29 pm

bale yung ibang pinabago ni mam binago ko na..
ung sa rebyu ng pag-aaral di pa yun tapos.
Back to top Go down
View user profile
 
Partially edited thesis...
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Isang pananaliksik :: Conference Hall :: Conference Room-
Jump to: